Actually matagal ko ng ginawa itong blog na ‘to para kay tatay. Ngaun lng ako ngkaroon ng chance. Pero sayang, dapat noon ko p ito pinost. Di sana khit paano nalaman man lng ni tatay kung gaano siya kahalaga sa kin.
Naaalala ko pa, bata p lng si tatay banat na siya s trabaho. 4am p lng ginigising n sya ni lolo para pumunta sa bukid at kung di sya bumangon, nakalatay n agad ang sanga ng kahoy sa mga hita nya, kaya nagtatalon sya s bintana at wla ng hilamos o almusal man lng at diretso n sya s bukid. Naghigh-school sya na iisa lng ang pantalon. Naalala ko tuloy ang kwento ng Romisan. Un ung tatak ng pants nong araw. Noong pumpasok sya, lgi syang inaasar na iisa lng ang pntalon nya, wash and wear kumbaga. Isang araw, napikon na sya at napaaway. Nagurlisan nya ang pantalon ng kaeskwela nya, kinabukasan, yung sirang pantalon ang suot ng kaklse nya. Akalain mo un, isa lng din pla ang pantalon ng kaklase nya. Basagulero dw si tatay noong araw (kaya siguro ganon n lng ang takot ni ttay tuwing mapapaaway ang bunso nming lalake. Nakikita kc niya ang kanyang sarili sa king kapatid). Kahit ilan ang makalaban nya at pawang may hawak n patalim, ni hindi mn lng sya ngurlisan khit minsan. Yung mga nakakaaway nya sila-sila ang nagkasakitan. Di ko alam kung may anting-anting ba sya o sadyang magaling lng syang umilag.
Hndi nakatapos man lng ng highschool si ttay. Hanggang sa napangasawa nga niya si nanay. Hindi boto ang mga lolo’t lola ko sa tatay ko. Pero pinatunayan nman nya ang kanyang sarili na kya niyang itaguyod ang kanyang pamilya, sa kabila ng wala syang pinagaralan. Nagumpisa sya sa pagtitinda ng santol sa bilao sa Divisoria, at sa -paghingi ng gulay na knyang binbenta para kumita khit konti pambili ng pagkain. Hanggang sa magkaroon sila ng puhunan at nakakuha ng sariling pwesto sa Marikina. Unti-unting umunlad ang buhay nmin. Khit maalwan n ang buhay nmin, nanatiling mapagkumbaba si tatay. Hindi sya nkalimot tumulong s knyang mga kapatid. At lalo na s mga taong nangangailangan. Isusubo n lng nya, ibibigay p nya s iba. Ganyan ka-generous si tatay.
Lima kming magkakptid. 3 lalake at 2 babae. Sa aming lhat, ako ang pinakpaborito ni tatay. Khit anong hilingin ko, ibinibigay nya. Si tatay ang matiyagang magturo sa kin pgdating s math. Kaya grade 1 p lng ako memorized ko na ang multiplication table. Sa knya din ako natuto kung paano ang mabilisang computation without using calculator at ballpen, s isip lng. Nsanay ako dahil sa pgtitinda sa palengke. Naalala ko, noong bata p ko, sabi ko gusto kong mag-aral ng piano. Wlang isang salita, ibinili ninyo ko ng piano. Sinabi ko din n gusto kong magvoice-lesson. In-enroll nya din agad ako sa isang music school. Si tatay din ang nagbibigay ng extrang baon sa kin nung college ako. Sekreto nmin un, kc pag nlaman ni nanay lagot kmi pareho. Baligtad sila ni nanay dahil si nanay ang disciplinarian.
June 4, 2006
Umuwi ako ng pinas hindi para mgbakasyon kundi para masulyapan ang aking mahal n ama sa huling pagkakataon. Alam ko nakikita ni tatay ung pagbabantay ko s knya. Umaga na ko ntutulog, I only get the chance to stare at him inside the coffin, pag madaling-araw na. Doon kc ako bumubulong, na sana magparamdam sya o magpakita man lng sa kin dahil ang dami kong gustong sabihin sa knya. Ang ganda ng mukha niya. Parang hindi man lng sya nahirapan. At doon ko napansin, na sya pla tlga ang kamukha ko.
I wake up this morning, n msya ang pkiramdam ko. Ang tagal. Ngaun lng nagpakita sa panaginip sa kin si tatay. Masaya ang mukha niya at nakangiti sya sa kin. Khit di sya ngsalita, alam ko gusto niyang sabihin n masaya n sya sa kinaroroonan nya. Ang dami kong mamimiss s knya. Kung nabubuhay lng kyo tay, gusto kong sabihin sa inyo na….
Mami-miss ko….
Ang mga paglalambing ko sa inyo para sa extrang baon…
Yung mga jokes nyong kwela, yung mga kwentong seryoso yun pla puro kalokohan sa huli. Sa inyo ko siguro namana ang pagiging kwela…
Yung pagdukot sa bulsa ninyo at paghingi ng pera. Tawag nyo nga sa kin para kong toll-gate…
Yung pabango nyo na humahalimuyak. Nasa taas p lng kyo ng bahay amoy na agad ang pabango ninyo…
Ang Tshirt nyong yellow, na lgi kong sinsabi “ Tay hindi bagay ang itim nyo kaya”, at sasagot nman kyo “ nasa nagdadala yan”…
Ang mga lambing ninyo na pagpapbili ng slacks at ng t-shirt. ..
Ang mga shades at sunglasses ninyo. Halos isang cabinet na ata s sobrang dami…
Mami-miss ko yung pagsi-serve ninyo sa simbahan, yung mga pagkanta at pagsasayaw ninyo tuwing may gathering ang ME…yung wlang kamatayang themesong nyo ni nanay na pauli-ulit nyong kinakanta.
Yung astringent, yung Johnsons powder. Pati pagpapamanicure ninyo. Ganun kc kyo ka-vain…
Mami-miss ko yung pagsaway ko sa inyo. Ang tigas kc ng ulo ninyo, lalo na s pagwo-workout. Nasosobrahan kayo ng exercise…
Alam ko po, na kung nasan man kyo ngaun, alam ko maligaya na kayo. Kasi dyan sa langit, hndi n kyo maghihirap. Diyan sa langit, makakapaglakad na kyo at makakapgslita. Ang tagal nyo kayang namiss ang maglakad. Imagine, 4 years din kyong naratay sa higaan. At alam ko Masaya na kayo diyan, kasi makikita mo na ang idol mong si FPJ. Makikita mo n rin ung iba mo pang mga kapatid, pati ang inang at amang mo. Naalala ko yung homili ni father alex, nung nag mass sa bahay. Alam ko na mahal na mahal nyo kami. Kasi tiniis ninyong mahirapan ang sarili ninyo ng apat na taon, para lang makasama kming pamilya mo. Ilang beses n kyong inatake, pero lgi nming sinasabi, wag kyong susuko. Wag muna. Lumaban kayo. Kahit mahirapan ang katawan ninyo, pinilit nyo pa ring mabuhay. Ilang beses n kyong inaalok ng Panginoon n sumama sa Kanya. Pero itong huli, siguro nga po, hindi nyo na Siya mahindian. Ang ganda nmn kc ng regalong handog Niya, buhay n wlang hanggan. Pero nagdalwang isip p kyo, pinilit nyo p ring lumaban sa huling pagkakataon. Pero this time, pinayagan na nmin kyo. Matagal nyo kaming inihanda. Kaya siguro, madali naming natanggap ang pag-alis ninyo. At least ngaun, hindi n kyo mahihirapan.
Sayang tay, hindi nyo man lng naranasan yung buhay na kyo nman ang pinagsisilbihan. Ni hindi nyo man lng nahintay yung maalwang buhay na ibibigay nming magkaptid sa inyo. Masakit….pero kailangan nming tanggapin. Sa pagkawala ninyo, I know things will never be the same again. Ewan ko po, pero there’s something in me, na kasama ninyong nailibing. Mahal n mahal ko kyo tay. Hindi ko man naiparamdam sa inyo dahil magklayo tayo. Pero mahal n mahal ko kyo… Hindi ako msyadong umiyak dahil alam ko ayaw nyo un. Gusto nyo n mging matapang ako. Hindi ko lng makalimutan s lhat, pinakamasakit ung araw na iaalis n kyo ng bahay at ihahatid s huling hantungan. Dahil yun na ang realidad na khit kelan hindi n kyo babalik.
One thing I realized, ang pagmamahal sa magulang, hindi lng pala kailangan pinaparamdam lng, mahalaga din plang sabihin.. Kadalasan, sa mga bf/gf lng tayo nagsasalita ng ‘I love you’. Kung alam ko lng na ung huling bakasyon ko nung February, un n ang huling beses ko kayong makaksama, sana mas naiparamdam ko pa ang pagmamahal ko sa inyo. Pero natutuwa ako… sa nakita kong dami ng tao na sumama sa paghahatid sa inyo sa huling hantungan.. nakita ko kung gaano kayo minahal ng tao, ng mga taong natulungan ninyo…alam kong maraming nagmamahal sa inyo..
June 10, 2006
Happy Birthday Tatay! Sayang at hindi mo inabot ang iyong ika-57 n kaarawan. Sayang at wala kyo ng ipagdiwang nmin ang iyong birthday. Di bale, alam ko nman po, na kapiling k nmin ng araw n iyon.
Paalam tay…. Sana masaya ka kung saan k man naroroon ngaun..